top of page
Search
  • lechonbaboyPH

Lechon Baboy Skin: Keep Lechon Baboy Skin Crispy

Paano nga ba mapanatili ang pagka crispy ng inyong Lechon skin? Ito ang isang guide para mapanatiling crispy ang balat ng inyong Lechon Baboy!


PACKAGING


Pag mag o-order ka ng iyong Lechon, kung posible, tanongin ang inyong Lechon Baboy supplier ukol sa kanilang Lechon packaging. Ang proper storage ng inyong Lechon Baboy sa isang well-ventilated container ay importante sa pagkapanatili ng crispiness ng inyong Lechon Baboy skin. 

Importanteng hindi mailagay ang Lechon Baboy sa isang saradong lalagyanan o makulob dahil ang bagong lutong Lechon Baboy ay nag proproduce ng steam.


Ang patuloy na pagkaroon ng contact ng steam or kahit anong liquid ay makakadulot sa pagkakunat ng balat ng Lechon Baboy.



STORAGE


Kapag mali ang pagkabalot ng inyong Lechon Baboy, importanteng matanggal na ito sa orihinal niyang packaging o lalagyanan.


Importanteng nakaka-singaw ang init mula sa tiyan ng Lechon Baboy.


Importante din na mailagay ang Lechon malayo sa hangin na mula sa electric fan at aircon para hindi madumihan at makadulot ng pagkakunat ng balat ng Lechon Baboy.


Rekomenda din na gumamit ng heat lamps kung meron, dahil malaking bagay ito para mapanatili ang pagka-crispy ng balat ng Lechon Baboy.


Para sa mga bibiyahe naman at ilalagay ang Lechon Baboy sa loob ng kotse, importanteng patayin ang aircon at ibaba ang mga bintana.



CHOPPING


Ukol sa pag chop-chop ng Lechon Baboy, inirerekomendang ihiwalay ang skin at meat.


Tulad ng nasabi kanina, ang patuloy na pagkaroon ng contact ng Lechon Baboy skin sa kahit anong liquid ay nagdudulot sa pagiging makunat ng balat.


Kung maaari, ihiwalay at ilagay sa sariling lalagyanan ang Lechon skin o laman.


Isa pang alternatibo ay ang pag lagay ng laman sa ilalim at ang balat naman sa ibabaw pagkatapos ng pag chop-chop ng Lechon Baboy.


WRAPPING IT UP


1. Wag hayaang ilagay ang Lechon Baboy sa isang lalagyanan na kulob.

2. Panatalihing tuyo ang balat ng Lechon Baboy as much as possible.

3. Ihiwalay ang Lechon skin mula sa laman ng Lechon Baboy kung maaari.


––––




764 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page